Bagong diskarte para sa pag-abot ng tagumpay
Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman para suwertehin ngayong 2020. Tulad ng nabanggit noong nakaraang isyu, Bagong Taon, bagong buhay. Ito rin ay nagsasabing there is a need na ikaw ay may bago ring diskarte at pormula ng tagumpay.
Lubhang kailangan mo ang pagkakaroon ng ‘bago’ dahil dito sa mundo, usung-uso ang pakikipagkumpitensiya. Ang walang ‘bago’ na gagawin sa buhay ay maiiwanan. Ang mananatili sa luma ay hindi makasasabay sa agos ng buhay.
Dahil dito, magandang isabuhay ngayon Bagong Taon ang “Isipin mong ngayon ay huling mga araw mo,” as in, kapag hindi ka pa kumilos , wala nang magandang mangyayari sa buhay mo. Isiping ito na ang iyong ‘huling baraha’, as in, bukas ang laro ng buhay ay tapos na.
Dahil iniisip mo ang ganito, tiyak na tiyak na ibibigay mo ang iyong todong kakayahan. Itotodo mo ang iyong lakas, itotodo mo ang lahat ng iyong puwedeng itodo dahil bukas ay wala ka nang magagawa kahit na ano.
Tanungin mo ang sarili mo, hindi ba, kapag ganito ang ginawa mo, hindi mo man makuha ang lahat ng gusto mo, sigurado na sobrang aangat ang buhay mo?
Aabante ka at tiyak na malayo ang iyong mararating at makikita mong maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. “Ibigay mo ang lahat ng makakaya mo.” Isa itong pormula ng tagumpay na kapag isinabuhay ng sinuman, tagumpay ang mapupunta sa kanya.
Ang totoo, hindi naman mahirap gawin ang nasabi na susi ng tagumpay dahil ang mas mahirap ay ang magbigay ng hindi mo naman kaya, pero ang nasa sa iyo na, ang kakayahang taglay mo ay kayang-kaya mong ibigay.
Ang huwag na huwag mong gagawin ay itago ang iyong mga kakayahan dahil hindi magandang itago ito. Ano ba ang iyong ikatatakot at ipag-aalala? Ang “kaya” ay kaya mo, kaya walang dahilan kung bakit ka mangangamba.
Muli, ngayong 2020, ibigay mo ang lahat ng makakaya mo. Itodo mo ang lahat ng makakaya mo dahil iisa lang ang magiging resulta — magbabago ang buhay mo kung saan ito ay magiging mabunga at ang mga bunga ay matatamis na tagumpay.
Good luck and God bless!




Comments