top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Armas, pampasabog nasamsam.. Terorista, nahuli sa Kyusi

V. Reyes
Jan 3, 2020
1 min read

Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga armas at pampasabog sa Quezon City, Miyerkules ng madaling-araw.

Nabatid mula sa Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakakilanlan ng suspek na si Datu Omar Palty alyas Allan Palte, 26. Tindero umano ito sa Bgy. Pinagbuhatan sa Pasig City.

Inaresto si Palty makaraang mahuli sa akto ng undercover na pulis ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na nagbebenta ng kalibre .45 pistola at mga bala sa Bgy. North Fairview.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, kaanib na rin ng teroristang grupong Dauah Islamiyah si Palty.

Lumabas aniya sa kanilang intelligence gathering na itinalaga si Palty sa Metro Manila bilang “pointman” ni Daulah Islamiya leader Esmael Adbulmalik upang makipag-ugnayan sa iba pang teroristang grupo sa Sulu at Basilan.

Sangkot din umano si Palty sa pag-atake ng kampo ng militar sa Midsayap, North Cotabato noong 2009.

Nahaharap din ang suspek sa kasong pagpatay sa mag-asawa at security guard sa San Simon, Pampanga noong 2015.

Nasamsam mula sa suspek ang isang fragmentation hand grenade at P10,000 halaga ng marked money.

Maaaring maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Law at Illegal Possession of Explosives si Paltry.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page