Negosyante, tinodas sa bilyaran
Masbate — Isang negosyante ang namatay nang saksakin ng lalaki kamakalawa sa loob ng bilyaran sa Bgy. Pating, Masbate City.
Nakilala ang biktimang nagtamo ng saksak sa likod na si Robert Raymundo, samantalang, ang suspek ay si Raffy Asne, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naglalaro ng bilyar si Raymundo nang lapitan ng suspek at agad sinaksak ng patalim sa likod.
Kaagad dinala ng mga saksi si Raymundo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, kusang sumuko sa mga awtoridad si Asne.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na matagal nang alitan ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments