Mismong New Year's Day… Solenn, nanganak na ng baby girl!
Nitz Miralles / Bida

Photo: @nicobolzico
Nanganak na si Solenn Heussaff kahapon, New Year’s Day at pinangalanan nila ni Nico Bolzico ang kanilang baby na si Thylane Katana na tiyak, may ibig sabihin.
Post ni Solenn sa social media, “01.01.2020 Best way to welcome 2020. So in love with you Thylane Katana.”
Sa photo na nasa Instagram (IG) ni Solenn, makikitang nagle-labor siya at nasa tabi niya ang asawang si Nico na nakangiti. Busy pa si Nico sa baby nila na kung tawagin nila ay Baby Bolz, kaya hintayin natin ang kanyang post.
Ang susunod na manganganak ay si Anne Curtis, pero sa March pa, kaya nakapagbakasyon pa sila ni Erwan Heussaff sa Australia.





Comments