top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mayweather, hindi na uubra kay Pacman kung may rematch

MC
Jan 2, 2020
1 min read

Malaki ang pagdududa ni Shane Mosley kung babalik pa sa ibabaw ng ring ang hambog na mamang itim na si Floyd Mayweather Jr. sa taong 2020.

Mariin ang naging pahayag ng dating three division world champion at napipintong maging Hall of Famer na si Mosley nang makunan ng reaksiyon hinggil sa isyu na posibleng magbalik na naman sa pagbo-boksing si Floyd at putulin muli ang pagreretiro. Maaaring pasukin niya ang eksena sa MMA o sa UFC ang mamang itim kapag nagkataon.

Kung si Mosley ang tatanungin, siguradong may napipintong rematch si Mayweather kay WBA welterweight champion Manny Pacquiao.

Kung iyan ang mangyayari ay malaki naman ang tiwala niya na hindi uubra ang American fighter dahil kung ikukumpara silang dalawa ngayon ay mas mataas ang antas ng pagiging aktibo ni Pacman kaysa kay Floyd.

Nagkaroon man ng mga laban niya si Mayweather nitong nagdaang 2018 at 2019, edad 42 ay isang klase ng exhibition lamang iyon na ginawa sa UFC habang si Pacman, 41-anyos ay pawang mga championship fight. Kaya nakasisiguro aniya si Mosley na sisiw kay Manny si Floyd, sakaling magka-rematch.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page