top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Goodbye paputok, patay ang negosyo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2020
2 min read

Nabawasan ang ingay, gulo at higit sa lahat, ang mga biktima ng paputok.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 164 ang naitalang firecracker-related injuries mula Disyembre 21, 2019 hanggang kahapon ng umaga, Enero 1, 2020. Mas mababa umano nang 35 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong Bagong Taon ng 2019. Bagama’t, puwede pa umanong tumaas ang bilang dahil hanggang Enero 6 pa magre-record ang ahensiya.

Maaaring epekto ito ng batas na naglilimita sa paggamit ng mga paputok sa bansa o puwede ring mas gustong ilaan ang pera sa pagkain kesa paputok o sadyang wala nang budget para rito.

Samantala, never-say-die naman ang DOH sa hirit na tuluyang ipagbawal ang lahat ng uri ng paputok o pailaw.

Lalo na at nakababahala ang ulat na mas maraming naitalang kaso ng fireworks-related injuries sanhi ng mga legal na paputok kumpara sa mga ipinagbabawal. Pinakamarami umanong kaso ng pagkasugat ay sa kwitis. Marami ring naitalang kaso sa luces, fountain, piccolo at baby rocket.

Patunay na legal o ilegal man ang paputok, maaari pa rin itong makadisgrasya at ang tanging solusyon para sa ‘zero casualty’ ay ‘total ban’.

Ang problema, paano naman ang kabuhayan ng mga maaapektuhan? Ngayon pa lang ay umaaray na ang mga nasa industriya ng paputok dahil ramdam nila ang paglamlam ng komersiyo.

Ang iba, limitado na lang ang pagtitinda habang meron namang tuluyan nang nagsara at kung hindi umano magbabago ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa limitasyon sa paputok, tuluyan nang mamamatay ang industriyang ito.

Nakalulungkot dahil bukod sa may mga kababayan tayong umaasa rito, bahagi na rin ang pagpapaputok ng ating tradisyon, hindi lamang tuwing Pasko o Bagong Taon kundi maging sa iba pang mga okasyon.

Gayunman, sa huli, hangad natin ang ikabubuti ng mas nakararami. Kung maibabalik ang dating sigla ng industriya, dapat tayong maging mas disiplinado at responsable. Pero, kung tuluyan nang ipatigil, kailangang may maging alternatibo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page