top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babaeng baliw kuno, kidnaper pala, gumagala!

  • Jun R. Guillermo
  • Jan 2, 2020
  • 2 min read

Talagang likas na sa mga masasamang elemento ng lipunan ang gumawa ng katarantaduhan tulad nitong naibahagi sa atin ng mga miyembro ng Pambansang Pulisya hinggil sa isang babae na nagkukunwaring baliw pero ang pakay pala ay mangidnap ng mga bata.

Sa impormasyong nakarating sa inyong lingkod, may nagpapanggap na pulubi na namamalimos pero ang masamang pakay pala ay ang magmanman sa matataong lugar tulad ng mga iskuwater kung saan maraming bata ang naglalaro.

Kuwidaw kayo, mga ka-BULGAR, dahil bukod sa pagiging baliw kuno nito (pang-FAMAS ang arte) ay nagbibigay din ang babaeng ito ng mga bitbit niyang kendi sa matitipuhang batang biktima.

Sa reklamo ng mga residente, naispatan nila ang babaeng nagsasayaw at naghuhubad pa para makuha ang atensiyon at simpatya ng mga bata kung saan nang makatiyempo ay agad nitong hinila ang biktima hanggang sa matangay.

Sa kabutihang-palad ay natiyempuhan ng kamag-anak ng bata at ng mga nagpapatrulyang operatiba ng barangay at kapulisan ng Caloocan City ang modus ng suspek.

Dahil sa pagsigaw at pagpupumiglas ng batang biktima ay agad pinosasan ng mga awtoridad ang babaeng nagkukunwaring baliw at naghuhubad pa na nakilala sa alyas Karen, edad 27.

Mga suki, ‘wag ninyong basta pinapayagan ang inyong mga anak, partikular na sa mga mataong lugar na maglaro nang hindi ninyo nababantayan o nakikita lalo kung nasa edad isa hanggang lima pa lamang ito dahil baka matiyempuhan ng mga kidnaper na nagkukunwari ng kung anu-ano para lamang makapangbiktima.

Ikaw kaibigan, ano’ng sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko! Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

“ANG SABI NG PANGINOONG HESUKRISTO, ‘WAG KAYONG MATAKOT, TUTULUNGAN KO KAYO!”

HAPPY NEW YEAR PO SA ATING LAHAT!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page