top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ang year 2020 ng mga nabigo at nagtagumpay na MMA fighters

Durugtungan/ Gerard Arce
Jan 2, 2020
2 min read

Naging tila isang roller-coaster ride ang mundo ng Mixed Martial Arts sa taon ng 2019 ng pakinangin ito ng pinaghalo-halong kontrobersiya, pagbagsak, pagbangon at tagumpay, gayundin ang muling pamamaalam sa pinakamamahal na larangan ng sports. Babalikan ang mga alaala ng istorya ng pandaigdigang MMA na sisimulan mula sa Drug-Testing Saga ni TJ Dillashaw.

Ang dating UFC bantamweight champion na si Dillashaw ay napilitang bumaba ng 125-lbs upang tapatan si flyweight champ Henry Cejudo kung saan hindi naging maganda ang kinalabasan kay Dillishaw ng matamo nito ang TKO loss sa loob lang ng isang minuto. Karagdagang dagok rito ay ang pagpopositibo niya sa human erythropoietin (EPO) na itinuturok bilang performance-enhancing drug na nagresulta upang hubaran siya ng bantamweight title, matanggalan ng mga sponsorship deals at masuspinde sa UFC ng 2 taon.

Maging sina welterweight fighter Nate Diaz at light-heavyweight titlist Jon “Bones” Jones ay inulan din ng kontrobersiya hinggil sa mga ipinagbabawal na substansiya sa kani-kanilang laban. Kung kaya’t bahagyang huminahon ang USADA at nagkaroon ng malaking pagbabago sa anti-doping policies nila para mas matugunan at malamang mabuti ang mga pagkukulang at pagsasaayos sa doping issues.

Itinanghal na kauna-unahang Chinese UFC champ si Weili Zhang matapos kunin ang strawweight title kay Jessica Andrade nang rumehistro ng 19 na sunod panalo bago makuha ang titulo. Nagpalabas ang 30-anyos na Chinese fighter ng malulupit na striking skills upang selyuhan ang TKO victory sa loob lamang ng 42 segundo ng unang round.

Mas lumawak pa ang nasasakupan ng MMA matapos na maglagay ang UFC ng isang institusyon sa Shanghai, habang inanunsiyo ng Bellator ang planong palawakin pa ang paghahanap ng mga talento sa European stage. Gayundin, ang pagkakaroon ng ONE Championship sa Tokyo, Japan, samantalang pag-oorganisa ng UFC sa labas ng U.S. na nagagawang mapanood sa buong mundo.

Naging matunog ang pangalan ni Josh Masvidal ngayong taon sa pagpapakita nito ng makatindig-balahibong flying knee laban kay Ben Askren sa UFC 239. Itinala rin niya ang rekord na 5-second first round victory at pumutol sa undefeated na marka ni Askren na dating welterweight champ sa ONE Championship na lumipat sa UFC. Ang dating journeyman na si Masvidal ay tinitingnan ngayong matinding kalaban sa welterweight bout.

Si Masvidal din ang hinirang ngayong taon bilang the “Best Mother-****er” champion ng UFC matapos nitong makipagbasagan ng mukha kay Nate Diaz sa UFC 244.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page