top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wala ka pa bang plano tonight? Read mo ‘to! Mga puwedeng gawin ngayong New Year’s eve

  • Jersey Sanchez
  • Dec 31, 2019
  • 2 min read

For sure, marami na sa atin ang ‘all set’ para sa pagsalubong ng 2020, pero may ilan namang hanggang ngayon ay wala pa ring plano. Tama ba, beshy? Ito ay dahil pagkatapos na pagkatapos ng Pasko ay nagbalik-trabaho agad sila kaya hindi na nagawang makapagplano kaya sa last-minute preparations ang bagsak.

Don’t worry mga beshies dahil narito na ang ilang New Year’s Eve activities na hindi nangangailangan ng masusing paghahanda na puwede n’yong gawin kasama ang inyong kamag-anak o mga kaibigan:

1. MANOOD NG COMMUNITY FIREWORKS. Sa pagsalubong ng Bagong Taon, hinding-hindi nawawala sa tradisyon nating mga Pinoy ang panonood ng fireworks pagkatapos ng countdown. Madalas itong libre kaya wala kang ibang gagawin kundi lumabas ng bahay o humanap ng magandang puwesto para makapag-enjoy.

2. PAJAMA PARTY. Usung-uso ngayon ang pajama party sa iba’t ibang okasyon kaya para maiba ang inyong gimik at makatipid, try n’yo na ‘to! Medyo korni man ito sa unang tingin, siguradong maa-appreciate ng mga bisita mo ang comfort na mararamdaman nila sa pagsusuot ng pajama at hindi paggastos para sa bonggang outfit.

3. MANOOD NG NYE-THEMED MOVIES. Puwedeng-puwede kayong makaiwas sa gastos para sa pangmalakasang party dahil oks din naman ang movie night kasama ang inyong mga kaibigan, partner o pamilya. Sino ba naman ang tatanggi sa movie night, ‘di ba?

4. SPA NIGHT. Ang pagpunta sa SPA ay medyo pricey, pero hindi porke mahal ay hindi n’yo na ito puwedeng gawin sa inyong mga bahay. Bago magsara ang mga pamilihan, make sure na nakabili na kayo ng face masks, nail polish at body scrub para makapag-relax kayo kasama nina nanay, ate at bunso bago salubungin ang Bagong Taon.

5. MAG-HOST NG POTLUCK PARTY. Maraming Pinoy na mas gustong mag-potluck party dahil mas matipid ito kesa kumain sa labas. Kapag sinabing “host” tayo, kailangan nating gumastos sa pagkain, inumin at kung anu-ano pa, pero dehins n’yo kailangang gumastos nang marami sa pamamagitan ng potluck. Kailangang mag-assign ng putahe sa bawat pamilyang bisita nang sa gayun ay mas marami kayong option.

Easy lang, ‘di ba? Kung isa ka sa mga beshies natin d’yan na hindi pa nakapaghahanda, make sure na subukan n’yo ang kahit isa sa mga nabanggit nang sa gayun ay salubungin n’yo ang 2020 with a twist, hindi lang sa gimik kundi pati na rin sa budget.

Mula sa aming lahat, Masaganang Bagong Taon, mga ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page