Pramis, 'di raw talaga iri-renew ang prangkisa… P-Du30 sa ABS-CBN: Ipagbili n'yo na 'yan
- Ronalyn Seminiano
- Dec 31, 2019
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Kung pagbabasehan ang paulit-ulit na banta ni Pangulong Rodrigo Duterte, delikado talagang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Kahapon nang umaga (Dec. 30), binisita ni P-Duterte ang mga nasalanta ng lindol sa Cotabato kung saan muli niyang nabanggit ang tungkol sa renewal ng prangkisa ng Kapamilya Network.
Sey ni P-Duterte, “O, itong ABS-CBN, mag-expire ang contract ninyo, mag-renew kayo, ewan ko lang kung may mangyari diyan.
“Kung ako sa inyo, ipagbili n’yo na ‘yan.”
Giit pa niya, “Kasi ang Pilipino, ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan.
“And I will make sure that you will remember this episode of our times forever.”
Awww! Mr. President, baka naman...





Comments