top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Philracom Juvenile championship ngayon

  • Ding Taboy
  • Dec 31, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

Magkakaalaman ngayon kung sino ang tunay na kampeon sa gaganapin na 2019 Philracom Juvenile Championship sa Santa Ana Park, Naic Cavite.

Nakatakdang magharap ang mga kalahok na Lucky Savings, couple entry na After Party at Our Secret, Union Bell, Exponential at Puro Asset. Nakalalamang ang Union Bell at magbabanta ang Puro Asset at Exponential. Ang mga kalahok ay tatawid sa 1,600 meters at tatanggap ng P1.2-M ang magiging kampeon sa naturang karera.

Tatanggap ng P562,500 ang tatanghaling 2nd places at mapupunta sa 3rd places ang P312,000 samantalang mapupunta ang P125,000 sa 4th places.

Samantala, mag-uumpisa ang 1st Winner Take All (WTA) sa Race 2 at magaganap ang Super Six carry over P139,993.84 at pinapaboran ang Looksmart at makakalaban ang Baling Rikit at Riches Lumbangan.

Sa Race 3, magaganap ang 1st Pick magkakalaban sina Kapayapaan Anino, Brandy Drinker, Iikot Lang at binibigyan ng laban ang Mandatum. Sa Race 5, magaganap ang Pick 5 at binibigyan ng magandang laban ang Yes Kitty at Play It Safe at Golden Casino habang sa Race 5 ay nakalalamang ang Miss Campbell habang magsisimula ang Two Timer kasabay ng 2nd WTA. Sa Race 6, nakalalamang ang Boy George habang ng Money Dance at Race 7 ay nakalalamang ang Time and Again habang makakalaban ang Full Steam at may tsamba ang Gomper Girl at Race 8 magkakalamang ang Greatwall at Certain to Win kasabay ng 3rd Pick 5.

Sa Race 9, nakalalamang ang Kaka and Bachi habang magkakalaban ang Premiere Danseur kasabay ng Pick 4 at sa Race 10 magkakalaban ang mga kalahok na couple entry na Bond’s Mission at Navy Cut sa Lucky Saver at She‘s My Princess. Ipinapatok ang Double Rock habang makakalaban sa forecast ang Sydney Boy at Rico Mambo sa Race 11 at patok ang Jawo sa Race 12.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page