P-Digong, aminadong hirap na.. Lord, kunin mo na ‘ko

Simple lamang ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos sa sandaling matapos ang kanyang termino bilang pangulo ng bansa sa taong 2022.
Sa kanyang talumpati sa pagbisita sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato, sinabi nito na hiling niya sa Diyos na bigyan siya ng aneurysm.
Hiling pa ng Pangulo sa Panginoon, huwag nang patagalin ang kanyang buhay.
Kung hindi man aneurysm, Stage 3 Cancer naman ang hiling ng pangulo sa Panginoon.
Tanong ng Pangulo, ano pa ang saysay ng buhay ng tao kung maghihirap din lang.
“Actually, ako ba sabi ko sa Diyos pagkatapos ko na presidente, 74 ako ngayon so, I will be around 77 by then, sabi ko sa kanya ‘wag mo na akong patagalin,” ani Duterte.
“Bigyan mo lang ako ng aneurysm. Isang,” sabi pa ng Pangulo.
“O, kung may cancer ako sabihin ko sa asawa ako ‘pag umabot ako ng third stage, no more. Bakit ko pahabain ang buhay ko na hirap? Bakit ko pahabain ang buhay ko na masakit?” ani Duterte.
“Cancer masakit ‘yan, maski hawakan lang masakit. Wala nang quality of life,” saad pa ng Punong Ehekutibo.
Ginunita rin ng Pangulo ang kanyang pagbisita sa mga batang may cancer sa Davao kamakalawa kung saan naawa siya sa mga may sakit.
Hindi umano niya naiwasan na magtungo sa banyo para umiyak nang makita ang mga bata na nasasaktan dahil sa cancer.
“One Sunday, hinawakan niya ang paa ko sabi niya puputulin naman ang paa ko bukas, bigyan mo ako ng paa,” wika ng Pangulo.
“Tinamaan ako, pumasok muna ako sa washroom, toilet, umiyak ako, naawa ako sa bata. (Sabi ko) sige akong bahala. ‘Pag wala akong paang maibigay sa’yo itong akin ang ibigay ko,” pahayag pa ng Presidente.
Sa kanyang edad na 74, dapat na aniyang asahan ng publiko na hindi na “in pink health condition” o hindi na maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.
Ayon pa sa pangulo, marami na siyang iniinom na gamot kabilang na ang viagra.
“Don’t ask me that question. At 74, marami na akong iniinom pati viagra, wala naman. Itong viagra sakit sa ulo, magdi-dilate ng blood vessels, kung may ulcer ka balentong ka sa sakit,” dagdag pa ni Duterte.





Comments