Oil price hike ngayong Bagong Taon.. P0.85 sa gasolina, P0.50 diesel, P0.35 kerosene
- Gina Pleñago
- Dec 31, 2019
- 1 min read

Simula ngayong araw hanggang bukas, inaasahang magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at SeaOil, epektibo alas-6:00 ng umaga magtataas ang mga ito ng P0.85 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.50 sa diesel at P0.35 naman sa kerosene.
Sinundan naman agad ng Petro Gazz na may kaparehong dagdag-presyo sa gasolina at diesel. Bukas ng alas-12:01 ng hatinggabi magtataas sa kahalintulad na presyo sa gasolina at diesel. Ang bagong price adjustment ay kaugnay ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.





Comments