National Age Group Triathlon lalargang muli sa Subic Bay

Matapos makapagbigay ng unang dalawang gold at silver medals sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, muling binuksan ng PHL triathlon at bagong dekada ng 2020 season ang National Age Group Triathlon series na sisimulan sa Enero 26 sa Subic Bay Freeport Zone.
Isa itong joint project ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), kung saan ang season opening race ay may mga kalahok na sasabak sa mapanghamong mga distansiya (1.5km swim-40km bike-10km run), sprint distance (750m swim-20km bike-5km run) at super sprint distance (500m swim-13km bike-2.5km run) kung saan ang San Bernardino ang magsisilbing main venue para sa starting, transition at finishing line.
Nakataya sa event na suportado ng SBMA, Philippine Sports Commission (PSC), Standard Insurance, FINIS at Asian Centre for Insulation Philippines (ACIP) ay mga gift packs at medalya para sa top 3 winners sa bawat age-group categories kada distansiya maging ang team relay category.





Comments