Namimili pa at wala pang makakalaban si Pacman

Wala pang malinaw na makakalaban ang nag-iisang eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao sa 2020 ayon mismo sa malapit na kaibigan nito.
Inihayag ni MP president at international matchmaker na si Sean Gibbons na tinitimbang pa nila kung sino ang maaaring makatapat nito sa pagbabalik ng boxing ring sa Abril o unang quarter ng taon.
Ang pinaka-aabangang rematch naman sa pagitan nila ni undefeated-retired Floyd “Money” Mayweather ang tinitignang may posibilidad pa lamang sakaling magkaroon ng kasunduan sa dalawang panig. “Right now, going into 2020, it’s not hard to do the math,” wika ni Gibbons sa panayam sa kanya ng FightHype.com. “There’s Shawn Porter, Danny Garcia, if he’s successful in his fight, and Errol Spence is a wild card, coming off what he did. So, right now, over the next few weeks, we’re definitely starting to figure out who the fight is, if it’s going to be in April, it could be right in that first quarter.”
Pare-parehong nagpahayag ng kagustuhan ang mga nabanggit na boksingero na makalaban ang dating pound-for-pound king, ngunit, aminado si Gibbons na wala pang nababanggit ang pambansang kamao sa kung sino ang nakalinya rito. “It’s complicated…but all those guys are on the table and I hope within the next month that the Senator is able to lock down, get his fight, start promoting it and be prepared for anything that could happen.”
Hinggil naman sa pinakananabikang rematch ng May-Pac 2, mas nararapat raw umano na makuha ng mga ito ang panig ni Mayweather kung ano na umano ang estado ng kanyang desisyon, lalo pa’t inamin nito sa social media na nakatakda itong magbalik laban, habang ipinalabas pa nito ang pangalan mismo ni Pacquiao na sunod niyang tatapatan.
“There’s going to be a gentleman here on Saturday night, you should interview him and find out what he’s doing…I heard him say Manny’s name, we didn’t say it…I didn’t say it, but if you look at TMZ and you look at a few sites, he did say ‘and I’m coming back. I’m gonna fight an MMA fight and I’m gonna fight Manny Pacquiao,” pahayag ni Gibbons sa mga nagtatanong sa kanya na nasa kamay pa rin ni Mayweather kung anong magiging desisyon nito sa kung sino ang nais nitong makalaban, “If it happens, it happens, great, but that’s always up to Floyd.”
Patungkol naman kay dating four-division world champion Mikey Garcia na pumirma ng kausapan sa DAZN at Matchroon Boxing USA, na interesado ang panig nito na magtapat sina Pacquiao at Garcia sa Saudi Arabia.
Samantala, nagpahiwatig ang naturang advisor na maaaring mamalagi ito sa pangangalaga ni Al Haymon at ng kumpanya nitong Premier Boxing Champions. “Manny Pacquiao is very happy where he’s at. “He’s a pay-per-view star. He’s fought his whole career, the last ten years, on the biggest pay-per-view fights and that’s where he’s gonna end up. Al Haymon’s been very good to us, treated us the best of any adviser, ever, and we’re very happy where we’re at. So, I don’t see that happening,” esplika nito.





Comments