Na-fall sa kaibigang may BF, nalilito

Dear Roma, May kaibigan ako, ngunit meron siyang boyfriend, pero kapag nag-uusap kami ay nagiging masaya ako. May regalo siya sa akin nu’ng Pasko, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa kinukuha dahil baka magtagal na naman ang aming pagsasama at lalo akong mahulog sa kanya. Hindi ko rin maiwasan na hindi siya kausapin dahil pakiramdam ko ay hindi buo ang araw ko at minsan ay hindi ko naiisip na may boyfriend siya. Ano ang dapat kong gawin? – Erwin
Erwin, Mas makabubuti na iwasan mo na munang kausapin siya para hindi na lumalim ang nararamdaman mo sa kanya dahil alam mo naman ang magiging resulta nito. Tigilan mo na ang iyong pagkahibang dahil masasaktan ka lang, lalo na kung simula pa lamang ay alam mo nang may BF siya. Sa ngayon, ibaling sa ibang bagay ang atensiyon mo at magpaka-busy ka. God bless!





Comments