Malalaking tagumpay, pagbabago sa mga relihiyon, pagkamatay ng sikat na lider, malakas na lindol etc
- Ka Ambo
- Dec 31, 2019
- 2 min read
Bagong Taon na mamayang hatinggabi.
Happy bente-bente!
◘◘◘
DAHIL 2020 na, may regalo ang BSP sa mga Pinoy.
Ikinalat na ang P20 coins!
◘◘◘
ANO ang ibig sabihin ng 2020? Maraming puwedeng itawag sa taong ito.
Sa numerolohiya, no. 4 ang taon.
Dahil bokya ang dalawang “zero” — 2 plus 2 equals 4!
◘◘◘
KAPATID na numero ng no. 4 ay no. 8. Sapagkat ang no. 8 ay dalawang kuwatro.
Iiral ang “extreme” sa taong ito — super-extreme negative at super-extreme positive.
Ibig sabihin, pambihirang inobasyon, imbensiyon at achievement ang masasaksihan.
‘Yan ay para sa extreme positive na sitwasyon!
◘◘◘
SA extreme negative, mas malagim — pambihirang aksidente tulad ng paglubog ng barko, pagbagsak ng eroplano, pagsabog ng bulkan, malaking baha at matinding lindol.
Maaaring maganap ang pagbagsak ng asteroid at misteryosong pangyayari na mahirap ipaliwanag ng tao!
◘◘◘
SA dagdag na positibo, pambihirang buwenas ang mararanasan.
Pagsikat ng ordinaryong tao, negosyo, website o socmed na maaaring magkamal ng bilyun-bilyong dolyares!
◘◘◘
ANG no. 4 ay taon ng malaking pagbabago sa sitwasyon ng lipunan tulad sa pagguho ng gobyerno o pagbagsak ng makapangyarihang bansa sa daigdig.
Maaari ring pagkamatay ng popular na lider ng bansa o sinumang sikat na tao!
◘◘◘
NARIYAN din ang pagsasara ng malalaking negosyo o media outfit na halos mahirap paniwalaan.
Kasabay din nito ang pamumukadkad o pagsilang ng bagong iskema, sistema o inobasyon sa larangan ng multi-media o telekomunikasyon at teknolohiya!
◘◘◘
DOBLE-DOS ang 2020 — nangangahulugang “doble-kara” o traydor o pagtalikod sa sariling bansa o pagtalikod ng loyalty mula sa popular na lider.
Taon ito ng imahinasyon o hindi nasusukat na ideya, impormasyon, pilosopiya, ideolohiya o iba pang hindi malirip na karunungan!
◘◘◘
ANG dalawang zero sa 2020 ay simbolo ng “alpha y omega”, yin at yan sa Tsino walang simula at walang katapusan.
Ang pagyao ay isa ring pagsilang; ang pagwawakas ay pagsibol!
◘◘◘
MARAMING pagbabago ang magaganap sa mga grupong relihiyon at sekta tulad ng Simbahang-Katolika, Iglesia ni Cristo at Born Again.
Magkakaroon ng deklarasyon at testimonya ng mga himala, hiwaga at aparisyon sa iba’t ibang lugar!
◘◘◘
MAGING maingat sa 2020 sapagkat kapos ito sa praktikalidad o kongkretong pundasyon.
Maraming lider ang maaaring magkamali dahil mahihigop sila ng pantasya, imahinasyon at emosyon.
Ang tubig, apoy at kakaibang enerhiya ay maaaring magbago sa “physical landscape” ng paligid.
Pambihirang pagbabago ng kaisipan, ideya at pananaw sa buhay ang masasaksihan at mararanasan ngayong 2020.
Walang duda, ito ang taon na malalaking pagbaha, malalakas na lindol at biglaang rebolusyon at pagbabago ng lipunan!
◘◘◘
MASUWERTENG kulay?
Berde o luntian na may kumbinasyon ng dilaw at simbolo ng swastika o krus — ang buwenas sa taong ito.
Siyempre, ang alahas na gold at jade ang hiyas na pampabuwenas na may imahe ng buwan at araw!





Comments