Horoscope | Disyembre 31, 2019 (Martes)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 31, 2019 (Martes): Unahin mo ang iyong sariling pangarap kaysa sa pangarap ng ibang tao. Ito ang iyong isabuhay nang sa gayun ay hindi ka mabigo at masaktan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ihanda ang iyong sarili sa nagdaratingang magagandang oportunidad. Kung hindi ka nakahanda, masasayang ang lahat at ikaw ay magsisisi sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-ibig ang bumubuhay sa iyo kaya mismong langit ang magbibigay sa iyo ng bagong pag-ibig kung nagkataong hindi ka masaya at kulang na kulang ka sa sigla. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-24-39-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpapalit ang kalendaryo ngayon, ikaw din ay magpapalit ng prayoridad sa buhay. Iwasan mong mapalitan mo ang mga bagay na napakikinabangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-24-28-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Doble-doble ang mga suwerte mo sa bagong taong darating. Ang totoo, buong taon ay magiging masaya ka at yayaman ka pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-19-20-26-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagpasya na ang langit at hindi mababali sa mga susunod na araw ang landas ng buhay na iyong tinatahak ay makikitang malinis at walang mga balakid. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-20-24-26-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bantayan mo ang iyong sarili sa paggasta nang walang sapat na dahilan kung saan natangay ka lang ng kursunada ng iyong mga mata. Dahil sa totoo lang, ito ang numero-uno mong kahinaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-17-22-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiwas ka sa mga gawaing nakasisira sa iyong kalusugan at katawan, mas magandang mapanatili mo ang iyong ganda at lakas na iyong puhunan sa pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-7-20-26-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong itago ang iyong tapang at lakas ng loob. Sa susunod na taon, ilabas mo ito at makikita na parang naghihimala ang buhay mo dahil sa sobrang bilis ng iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-29-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kinakabahan ka dahil alam mong matayog ang iyong mga pangarap. Gayunman, mawawala ang kaba mo habang lumalakad ang mga araw at unti-unti kang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-20-23-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka matitinag, mananatili kang matatag laban sa mga pagsubok na iyong makakaharap. Sa totoo lang, kusang magsisilayas ang mga pagsubok sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-19-26-30-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatangayin ng hangin ang mga problema mo sa pagpapalit ng taon. Ibig sabihin, ngayong bagong taon na darating, ang mabibigat mong pasanin ay maglalahong lahat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-24-25-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Parang palaisipan ang darating na taon sa buhay mo dahil masalimuot ito, pero sa huli ay makikitang ang huling halakhak ay makakamit mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-18-21-28-38.




Comments