Fake news, mas mabilis ang pagkalat kesa sa internet sa ‘Pinas
PATAPOS NA ANG 2019 PERO ANG SPOKESPERSON NI P-DUTERTE, NAGPAHABOL PA NG FAKE NEWS — Dumalo si P-Duterte sa ika-123 anibersaryo ng kamatayan ni Gat. Jose Rizal sa Rizal Park sa Davao City, taliwas ito sa sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi dadalo ang pangulo sa Rizal Day dahil ang bibigyan daw nito ng pagpupugay kahapon, Dec. 30 ay si Gregorio del Pilar.
Matatapos na lang ang 2019, humabol pa sa “fake news” ang tagapagsalita ng pangulo, pwe!
◘◘◘
SENATE PRES. SOTTO, TAGASUBAYBAY NG FAKE NEWS — Ito palang si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III ay masugid na tagasubaybay ng “fake news” ni RJ “Thinking Pinoy” Nieto.
Nang mag-post si Nieto sa social media na “fake news” lang daw ni Sen. Leila de Lima ang balitang ban na sa Amerika ang mga nagpakulong sa senadora ay pinaniwalaan agad ito ni “Tito Sen”.
Onli in da Pilipins na ang Senate President, nagpapaniwala sa fake news, boom!
◘◘◘
SANA NGAYONG 2020, MAS MABILIS NA ANG INTERNET KAYSA FAKE NEWS — Hirit ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, sana raw ngayong 2020 ay bumilis na ang internet sa bansa kasi sa ngayon, mas mabilis pa ang fake news kaysa sa internet sa Pilipinas. He-he-he!
Sa lahat ng mambabasa ng pahayagang BULGAR at BULGAR online, Happy New Year sa inyong lahat!





Comments