top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

DILG Sec. Año, hahawak sa PNP

Mylene Alfonso
Dec 31, 2019
1 min read

Pansamantalang hahawakan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) upang linisin ang ahensiya hanggang sa susunod na dalawang taon.

Ito ang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Año hangga’t walang napipili na kapalit si dating General Oscar Albayalde na nagretiro noong Nobyembre.

“You fix the police so, by the time we make the exit two years from now, at least, ang problema ng Pilipino medyo hindi na masyadong mabigat,” sabi ng Punong Ehekutibo. Matatandaang, dismayado ang pangulo sa malawakang korupsiyon sa hanay ng PNP maging ang pagkakasangkot ng mga pulis sa ilegal na droga.

Ayon sa Pangulo, tanging sa Metro Manila ang malaking problema sa mga pulis dahil kamihan umano sa mga law enforcer sa probinsiya ay mahuhusay. Matatandaang, ilang beses ding inihayag ni P-Duterte na wala pa rin siyang nakikitang matapat na papalit bilang bagong PNP chief kasabay ng banta nitong pag-takeover sa nasabing organisasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page