Bibili sa tindahan, niragasa.. 5-anyos patay sa motorsiklo

Tinakasan umano ng nakasagasa ang limang taong gulang na babae sa Bustos, Bulacan, nitong Linggo ng umaga.
Patay ang biktimang si Steffi Nicole Salazar na noon ay patawid ng kalsada para bumili sa tindahan sa Bgy. Camachilihan matapos masalpok ng rumaragasang motorsiklo.
Sa halip na huminto upang tulungan ang tumilapong paslit ay tumakas ang rider na may angkas na babae.
Itinakbo sa ospital si Salazar pero, idineklara ring dead-on-arrival.
Nakuhanan ng surveillance camera ang insidente pero, malabo ang kuha kaya hindi matukoy ang plaka ng motorsiklo.





Comments