US travel ban vs PH gov’t. offc’ls, kumpirmado — Palasyo

Totoo umano ang travel ban ng Amerika laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.
Ito ang pahayag ng Malacañang makaraang ibunyag ng blogger na si RJ Nieto na wala naman sa probisyon ng United States Fiscal Year 2020 State and Foreign Operations Appropriations Bill ang travel ban sa mga government official ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinumpirma ito mismo sa kanya ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
“I was talking to US Ambassador Babe Romualdez. Sinasabi ‘yang tsinek daw nila ‘yung batas, meron nga raw. totoo ‘yung ban,” diin ni Panelo.
Aniya, totoo man o hindi ang travel ban sa mga Philippine government official, patuloy naman aniyang iiral ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalang makapasok sa bansa sina US Senators Patrick Leahy at Dick Durbin.
Sina Leahy at Durbin ang nagpanukala na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay De Lima.





Comments