Union Bell at apat sa kakasa sa Juvenile C’ship
- Ding Taboy
- Dec 30, 2019
- 1 min read

Nakatakdang magharap ang mga kalahok sa 2019 Philracom Juvenile Championship sa Martes sa San Lazaro Park, Carmona, Cavite.
Ang mga kalahok ay pangungunahan ng anim na mananakbo kabilang ang isang couple entry. Magkakalaban ang mga kalahok na Union Bell, magka-couple entry na After Party at Our Secret, Exponential, Lucky Saving at Puro Asset. Tatawirin ng mga kalahok ang 1,600 meters na distansiya.
Sa mga kalahok nakalalamang ang Union Bell habang magbabanta ang Exponential at Puro Asset. Nakataya ang P2.5-M na premyo sa unang apat na makatatawid sa finish line.
Tatanggap ng P1.5-M ang unang makatatawid sa finish line, habang tatanggap ang 2nd places ng P562,500, mapupunta sa 3rd place ang P312,500 samatalang tatanggap ng P125.000 ang makukuhang 4th placer.
Ang mga kalahok ay inihahanda sa 2020 Philracom Triple crown series na magsisimula sa buwan ng Mayo. Kasabay nito, magaganap din ang Super 6 carry over P139,993,93.sa 12 karerang magaganap.





Comments