top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sen. Leila, todo-patol sa basher na puro fake news ang inilalabas

  • Pabs Hernandez III
  • Dec 30, 2019
  • 2 min read

NAGMUKHANG ENGOT SI SEN. DE LIMA SA PAGPATOL SA DDS BLOGGER — Kinontra ni Sen. Leila de Lima ang ipinakalat sa social media ni RJ “Thinking Pinoy” Nieto, DDS blogger, na fake news lang daw ng senadora na banned na sa United States ang tropang Duterte.

Ayon kay Sen. De Lima, totoo na ipina-banned na ni U.S. Pres. Donald Trump ang mga gov’t. official na nagpakulong sa kanya.

Sa totoo lang, dapat hindi na pinatulan ni Sen. De Lima si Nieto kasi nagmukha siyang engot dahil mantakin ninyo, senadora siya, tapos ibinaba niya ang level niya sa DDS blogger, boom!

◘◘◘

KUMPIRMADO, BANNED NA SA TATE ANG TROPANG DUTERTE — Kinumpirma ni U.S. Ambassador to the Philippines Babes Romualdez kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na banned na sa Amerika ang mga taong-gobyerno na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. De Lima, taliwas sa ipinakakalat na fake news sa social media ni RJ Nieto na fake news lang daw ng senadora na banned na sa Tate ang tropang Duterte.

Sa mga follower ni Nieto, tantanan na ninyo ang katutunghay sa “Thinking Pinoy” kasi ginagawa lang niya kayong mangmang sa mga ipino-post niyang fake news, period!

◘◘◘

P-DUTERTE, AYAW BATIKUSIN SI U.S. PRES. TRUMP SA TRAVEL BAN KASI TAKLESA RAW ANG U.S. PRESIDENT — Kahit inaprubahan ni U.S. Pres. Donald Trump ang resolusyon ng U.S. Senate na i-banned sa Amerika ang mga sangkot sa pagpapakulong kay Sen. De Lima, sinabi ni P-Duterte na wala raw siyang sama ng loob sa U.S. president.

Alam ni P-Duterte na tulad niya, taklesa rin si Trump, kaya para maiwasan na sila ay magtarayan, bilang ganti ay ipina-banned din niya sa Pilipinas sina U.S. Senators Richard Durbin at Patrick Leahy na kapwa nagsulong na i-banned sa Tate ang tropang Duterte, boom!

◘◘◘

BAKA AKALA NI P-DUTERTE, HEROES’ DAY NGAYON KAYA SI DEL PILAR ANG PARARANGALAN NIYA? —Wala na raw atrasan ang pagbibigay-parangal ni P-Duterte kay Gregorio del Pilar ngayong Rizal Day.

Hindi kaya na-”wow mali” si P-Duterte ngayong Dec. 30, na baka ang akala niya, Heroes’ Day ngayon kaya si Del Pilar ang bibigyan niya ng parangal ngayong Rizal Day? He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page