P1 bilyon ang pinsala.. Patay sa bagyong Ursula, umabot sa 47

Umakyat pa sa 47 ang mga nasawi habang may 12 pang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Ursula.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), walo sa mga nawawala ay mula sa Region VI, habang tigalawa sa MIMAROPA at Region VIII.
Samantala, umabot na sa P1.074 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastruktura at agrikultura sa Luzon at Visayas.
Nasa kabuuang 399,242 pamilya o mahigit sa 1.6 milyong residente naman ang naapektuhan sa MIMAROPA, Regions V, VI, VII, VIII at CARAGA.
Sa nasabing bilang, 24,378 pamilya o mahigit sa 97,000 indibidwal ang nananatili sa 529 evacuation centers habang ang iba ay nasa kani-kanilang kamag-anak muna nagkakanlong.





Comments