top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga naliligo sa poso, inararo.. 5 patay sa killer truck

V. Reyes
Dec 30, 2019
1 min read

Dead-on-the-spot ang lima katao nang araruhin ng trak ang mga naliligo sa poso sa Sumilao, Bukidnon, kamakalawa.

Tinukoy ng Bukidnon Police ang ilan sa mga biktima na sina Teresa Jagonal, truck driver na si Erman Falcis, substitute driver nito at dalawang menor-de-edad.

Ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Langga, Bgy. San Vicente ng naturang barangay matapos mawalan umano ng kontrol si Falcis sa minamaneho nitong Isuzu aluminum wing van truck.

Sa pahayag ng pahinante ng trak na si Reymart Galagala, patungo sila ng Maluko sa Manolo Fortich mula sa Malaybalay City nang madisgrasya.

Mabilis aniya ang takbo ng trak na may kargang fertilizer at biglang nawalan ng kontrol ang drayber kaya napunta sa kanang bahagi ng kalsada hanggang sa masalpok ang mga biktima na naliligo sa poso.

Tuluy-tuloy ding tumakbo ang trak hanggang sa mahulog sa bangin.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page