top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga gamit tinangay.. Bebot ginilitan ng akyat-bahay, todas

Madel Moratillo
Dec 30, 2019
1 min read

Patay ang isang babae matapos pagnakawan at gilitan sa loob ng kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Maribel Cruz, 32, dalaga, residente ng East Greenview, Bgy. San Isidro, Rodriguez.

Nakatakas naman ang dalawang hindi pa nakilalang salarin, tangay ang mahahalagang gamit ng biktima at bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, bandang ala-1:00 ng hapon nang puwersahan umanong pumasok sa bahay ng biktima ang mga suspek.

Agad itinali ang mga paa at kamay ng kapatid na babae ni Cruz, na hindi pinangalanan para sa proteksiyon nito, saka hinalughog ang kabinet at pinagkukuha ang mahahalaga nilang gamit.

Nang makita umano ng mga suspek si Cruz ay agad nang ginilitan ito, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nang makuha ang mga gamit, nagsitakas ang mga suspek sakay ng tricycle patungo sa Ayuson Street.

Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring krimen at para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page