top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Madalas daw mag-away, relasyon tagilid… Banta ni Nadine: Magpapakamatay ako 'pag iniwan ni James

  • Julie Bonifacio
  • Dec 30, 2019
  • 2 min read

Patapos na ang 2019 pero ayaw papigil ng aming showbiz insider friend sa pagkuku­wento tung­kol sa reel and real-life partners na sina James Reid at Nadine Lustre.

Nu’ng una’y tinanong niya kami kung kumusta na raw ang magdyowa at kung may naririnig daw ba kami tungkol sa da­lawa.

Ang latest na narinig namin, aalis na raw si Nadine sa pangangalaga ng Viva bilang manager niya. At ang kasunod nito ay lilipat na siya at mag­­­papa-manage sa bagong tayong talent management ni James.

Pero bukod d’yan, may mas latest daw siyang tsika tungkol kina James at Na­dine.

Ayon sa aming source, madalas daw mag-away ang magkasintahan. Worry ng mga concerned friends nila ay baka tulu­yan nang mauwi sa hiwalayan ang JaDine.

Pero ang mas nakakabahala ay ‘yung may sinabi pa diumano si Nadine na ka­pag nag­hiwalay sila at tuluyan na siyang iniwan ni James, magpapaka­matay daw siya.

Eh, tine-take nila seriously ang banta ni Nadine since knows naman ng ma­ra­mi kung gaano niya ibinuhos ang pana­hon niya at halos ibigay lahat dahil sa sob­rang pagmamahal kay James.

One more thing, ‘di ba’t nagpaka­ma­tay din ang younger brother ni Nadine two years ago?

Naku, we wish na kung totoo mang nasabi ito ni Na­dine sa aming source ay hindi naman niya seryosohin.

And if ever, sana, ‘yung mga malalapit sa dalawa, es­pecially kay Nadine, ay ipagdasal siya, suportahan at make their presence felt beside her.

Nakaka-alarm ang balitang ito lalo pa’t maraming ar­tista ang dumadaan sa depresyon at ‘yung iba ay nag­pa­pa­ka­matay tulad na lamang ng yumaong dating Ka­pamilya star na si Miko Palanca.

Pray. Pray pa more para sa buong in­dustriya at salu­bu­ngin natin ang 2020 nang may malalim na pananampalataya at pa­na­nalig sa Diyos!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page