Horoscope | Disyembre 30, 2019 (Lunes)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 30, 2019 (Lunes): Pataas nang pataas ang iyong buhay. Huwag mong kaligtaan na dapat ay manatiling nakasayad ang mga paa mo sa lupa.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka at ito ay para mas maraming tagumpay ang mapasakamay mo. Kung babagal-bagal ka, maraming oportunidad ang iyong panghihinayangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-18-20-23-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy ang pagdating ng mga suwerte sa buhay mo. Huwag kang magsasawa na mahalin ang iyong kapwa dahil ito ang dahilan kung bakit ikaw ay may magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-24-28-37-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Pabilis nang pabilis ang galaw ng mga araw. Maiiwanan ang mapag-alinlangan, pero sila na mabilis ding gumalaw, mas maraming suwerte ang madaragdag sa kaban ng kanilang yaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-25-35-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Lumalakas ang kutob mo at maaga mong makukutuban ang motibo ng isang tao. Agad kang lumayo sa may masasamang layunin sa iyo kahit ang ipakikita nila sa iyo ay kabutihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-24-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maghangad ka. Hindi puwede na susunod ka lang sa sinasabing bawal ang maghangad. Kapag hindi ka naghangad, malalagay sa alanganin ang iyong hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-26-28-30-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sakyan mo ang agos ng buhay. Sa panahong nagsasaya ang lahat, magsaya ka rin. Sa araw na ito na muling nagiging seryoso ang mga tao, maging seryoso ka rin sa pangarap mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-22-26-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Talasan mo ang pakiramdam mo. Ang ayaw sa iyo ay ayawan mo rin. Sobrang mali na manatili ka sa nagpapakita sa iyo ng hindi maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-15-16-20-21-25.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Tanggapin mo ang iniaalok sa iyo na proyektong puwedeng magpaunlad sa buhay mo. Maliit man ito, malaki ang tsansa na mapalago mo ito dahil sa talinong taglay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-18-24-28-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong papalitan o babaguhin ang iyong pangarap. Kahit makaranas ka ng mga hindi magagandang pangyayari, sa huli, kung ano ang ginusto mo ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-27-29-37-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo dahil kapag binigyan mo sila ng halaga, maaari kang matulad sa kanila na pawang negatibo ang naiisip sa kapwa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-12-26-28-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong yakapin ang iyong galit dahil puwede kang magkasakit. Dapat kang mabuhay sa pag-ibig dahil ang pag-ibig ay magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-21-25-28-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung may naisip kang magandang pormula sa pagpapayaman, sarilinin mo na lang nang hindi na muling maulit na isinabuhay ng iba kung saan ang iyong ideya ang kanilang ginamit para umasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-22-23-36-41.




Comments