DFA, OWWA at DTI satellite offices, kasado na
- Mylene Alfonso
- Dec 30, 2019
- 1 min read

Inaasahang bubuksan sa Marso ang satellite offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Rescue Office sa Palayan City Nueva Ecija.
Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, layon nitong hindi na mahirapan ang mga OFWs sa pagkuha at pag-renew ng kanilang pasaporte. Maging ang mga OFWs sa Aurora Province at iba pang kalapit na lugar ay maaari nang kumuha ng kanilang passport sa Palayan City at hindi na kailangan pang lumuwas ng Metro Manila.
Maging ang Seaman’s Book at iba pang requirement ay maaari nang kunin sa nasabing One Stop Business Hub sa oras na maging full operation na ito.
Sa ngayon, inaalam na ng Maritime Industry Authority (MARINA) kung gaano karami ang mga marino sa Nueva Ecija at Aurora para sa kanilang paglalagay ng processing office sa lungsod. Para naman sa mga maiiwang pamilya ng OFW, maglalagay na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) satellite office, maging ang Go Negosyo para sa maaaring pagkakakitaan ng mga ito habang nasa abroad ang kanilang kaanak.





Comments