Angkas, kung ipagbabawal.. Hamon sa DOTr: Mura at mabilis na public transport

Kung ipagbabawal na ang motorcycle taxi service sa Marso, tulad ng Angkas at iba ay dapat maghanap ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ng alternatibong taxi service na mura at mabilis.
Ito ang panawagan ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa DOTr at LTFRB kasunod ng kanilang anunsiyo na wala ng papayagang papasada na motorsiklo sa Marso.
Dapat umanong ngayon pa lang ay nag-iisip na ang mga ahensiya ng bagong mode of public transport na mabilis pero, abot-kaya ng masa.
Ang ibang mode of transport tulad ng UV Express, taxi, Grab at bus ay laging naiipit sa trapik. Habang ang MRT at LRT naman aniya ay minsan ay tumitirik ang biyahe o sobrang haba ng pila kaya nale-late ang mga pasahero sa kanila-kanilang trabaho at pag-uwi sa kanilang mga bahay.





Comments