100 pamilya, apektado.. Sunog na naman!
- Mylene Alfonso
- Dec 30, 2019
- 1 min read

Nawalan ng tirahan ang may 100 pamilya matapos sumiklab ang sunog kahapon ng umaga sa Gate 10, Parola Compound, Tondo, Manila.
Ayon kay FSupt. Rodolfo Denaga, nagsimula ang sunog alas-10:45 ng umaga na umabot sa ikaapat na alarma at idineklarang fireout ala-1:19 ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng MFD, nagsimula umano ang sunog sa dalawang palapag na bahay na pag-aari ni Joel Acontillado.
Wala namang iniulat na nasugatan sa insidente na mabilis na kumalat dahil karamihan ng bahay ay yari sa light materials.
Patuloy namang inaalam ng Arson Division ang sanhi ng sunog.





Comments