Zamboanga, diniskaril ang Imus sa Canada Lakan Cup

Nagpakitang-gilas ang Zamboanga Family’s Brand Sardines upang idiskaril ang Bandera Luxxe Slim, 88-72 noong Biyernes ng gabi (Dis. 27) sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season na kauna-unahang official game sa North America sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary, Canada.
Sa tikas sa rebounding, sumunggab ang Zamboanga ng 59 rebounds laban sa 34 lamang ng Imus para itarak ang 44 points sa nalalabing 12 segundo upang gitlain ang Bandera na may 22 at 5 points.
Pinalakas ni Alvin Pasaol ng Zamboanga sa 21 points at 6 boards ang Zambonga para umangat sa 16-4 sa South division ng 31-team league. Lagpak naman ang Imus sa 6-20. Nakatarak si Pasaol ng 4 triples, nakatulong si Norman Aaron Black sa 13 points at 7 rebounds at 12 points si Anton Asistio.
May 7 puntos si Jun Bonsubre at 9 rebounds, si Leonard Santillan ay may 6 rebounds at si Robin Rono ay may 6 rebounds para sa playoffs-bound Zamboanga ni coach Britt Reroma.
Nakabatak ang Zamboanga ng 54-31, pero sumagot pa ang Imus ng 14-point cluster, sa tikas ni Jojo Cunanan na may 2 triples at isa mula kay actor Gerald Anderson at dating PBA MVP Jayjay Helterbrand upang dumikit ang gap sa 54-45. Namuno si Anderson sa Imus na may 14 points kasunod ni Cunanan na may 12, Jeric Nacpil 13 at John Cantimbuhan 10.





Comments