Populasyon ng mga Pinoy, aabot sa 108.7 milyon sa 2020

Inaasahang aabot na sa 108.7 milyon ang populasyon ng mga Pinoy pagsapit ng Hulyo ng 2020.
Batay na rin ito sa pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Gayunman, paliwanag ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III, ang pagtayang ito ay mababa kumpara sa kanilang naunang pagtaya na 109.9 milyong populasyon pagsapit ng susunod na taon.
Malayo ito sa inaasahang 1.38% na pagtaas o 1,483,828 annual increase na unang tinaya ng POPCOM para sa taong 2019 hanggang 2020.
Sa kabilang banda, sinabi ni Perez na tumaas naman ang populasyon ng mga nakatatandang Pinoy o iyong mga nasa edad 60 pataas.
Sa datos ng POPCOM, 2 sa bawat 5 Pinoy o 38.7% ng populasyon ay maninirahan sa Central Luzon, National Capital Region at Calabarzon sa pagsisimula ng bagong dekada.
Matatandaang, una nang tinaya na lalagpas sa 110 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa pagpasok ng 2020.





Comments