top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nadale sa paputok 34 na — DOH

Madel Moratillo
Dec 29, 2019
1 min read

Sa halip na gumamit ng paputok, mag-street party o manood na lang ng mga community fireworks display.

Ito ang panawagan ni Health Secretary Francisco Duque III matapos umakyat sa 34 ang naitatalang fireworks-related injuries (FWRI) sa bansa.

Giit ni Duque, puwede namang gumamit ng ibang pampaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon tulad ng torotot at kaldero.

Kasabay nito, hinikayat din ng kalihim ang publiko na maging mapanuri sa pagdiriwang ng Bagong Taon dahil matindi ang idinudulot na peligro o disgrasya sa tao ng pagpapaputok.

Sa 34 FWRI na naitala ng DOH ay kasama ang isang pitong taong gulang na batang lalaki sa General Trias, Cavite, na kinailangang putulan ng daliri matapos pumutok ang pinulot na paputok.

Nilinaw naman ng DOH na mas mababa pa rin ang naturang bilang ng 21% kumpara sa naitala nilang 43 FWRI noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, nagpapasalamat din si Duque dahil wala namang naiuulat na nasawi sa pagpapaputok, gayundin ng mga kaso ng fireworks ingestion at stray bullet incidents.

Tiniyak din niya na ngayon pa lamang ay handang-handa na ang mga ospital ng gobyerno sa pagtugon sakaling magkaroon ng firecracker injuries sa kanilang lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page