Horoscope | Disyembre 29, 2019 (Linggo)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 29, 2019 (Linggo): Napabibilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang mga suwerte ay palaging nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nahaharap ka sa mabibigat at maraming gawain. Gayunman, kalakip ng mga ito ang malalaking suwerte na guguhit sa kasaysayan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-23-30-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahan-dahan kang mag-ipon. Hindi maganda na ang iipunin mo ay malalaking halaga agad dahil hindi mo makikita ang kahalagahan ng dagat na binubuo ng paisa-isang patak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-23-28-29-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Makipagsapalaran ka dahil ang totoo, ikaw ay nabubuhay sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-28-32-35-45.
CANCER (June 21-July 22) - Nakaalalay sa iyo ang langit kaya bakit ka mag-aalala? Ang mga kaaway mo ang dapat mangamba dahil sila ay makikitang natutuliro at nalilito sa ganda ng takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-15-26-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sino ang biglaang sinuwerte, pero kapos naman sa pagkilos? Sino pa nga ba kundi ikaw. Ang nakatutuwa sa iyo ay minamaliit mo ang iyong sarili, pero ikaw ay angat sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-21-24-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang panahon ng muling pagsisimula. Ibig sabihin, kung nagkamali ka noon, puwede kang magkaroon ng magagandang kapalaran ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-19-24-25-36-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang papayag na mapunta sa iba ang nasa iyo na. Gayunman, higpitan mo ang pagbabantay dahil sa araw na ito, may mga magtatangkang agawin ang mga ito sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-18-21-23-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipahiram mo ang tapang at lakas ng loob mo sa mahina ang loob. Paano? Ituro mo ang simpleng ginagawa mo na kahit walang katiyakan ay sumusugod ka at hindi naduduwag. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-19-25-26-39-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mong maging masigla dahil may ilang suwerte na nag-aabang sa iyo kung saan kapag nakitang magsigla ka, simbilis ng kidlat at sila ay guguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-26-30-31-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang mga suwerte mo kapalit ang pagsasaya na wala namang kabuluhan at ikaw ay mapapagod lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-13-15-28-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran mo na nagsasabing, kapag dumikit ka sa kuripot at masinop, biglang magbabago ang pananaw mo at magsisimula na ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-26-41-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humahabol pa ang ilang mga suwerteng mula pa sa malalayong lugar na para sa iyo at may humahabol din galing sa malapit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-14-26-36-45.




Comments