top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

DSWD sa Mga binagyo: Trabaho palit pagkain

Madel Moratillo
Dec 29, 2019
1 min read

May alok na bagong tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng pananalasa ng magkasunod na Bagyong Tisoy at ‘Ursula’.

Ayon kay DSWD-Bicol Director Arnel Garcia, food for work o trabaho kapalit ng pagkain ang iniaalok naman nilang tulong ngayon.

Tapos na kasi aniya ang pamamahagi nila ng tulong sa disaster response.

Sa ilalim ng food for work program, kailangan munang tumulong sa paglilinis ng mga residente sa mga barangay na sinalanta ng bagyo kapalit ng food packs na matatanggap.

Gayunman, handa namang tumanggap ng mga request ang ahensiya sa relief goods sakaling kailanganin pa ng mga lokal na pamahalaan. Tiniyak naman ng DSWD na may nakalaan silang tulong sa mga nasiraan at nawalan ng kabahayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page