top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagong Taon, ipagdiwang nang ligtas at masaya

  • Nancy Binay
  • Dec 29, 2019
  • 2 min read

Nancy Binay / Be Nice Tayo

Nalalapit na ang pagtatapos ng taon at nakasanayan na nating mga Pinoy ang pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang New Year’s Eve ay time-honored tradition hindi lang para sa ating mga kababayan kundi sa buong mundo. Sa ating bansa, isa itong family-centered celebration na puno ng galak at pag-asa na sa kabila ng mga dagok at hamon na dinanas natin sa nakalipas na taon ay may magandang bukas na naghihintay.

Gusto sana nating sulitin ang pagkakataong ibinibigay ng kolum na ito para ulitin ang taun-taon nating panawagan na umiwas tayo sa paggamit ng paputok sa ating mga selebrasyon.

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong December 27, umabot na sa 22 ang naitalang fireworks-related injuries ngayong buwan.

Samantala, mula noong December 21, 2018 hanggang January 5, 2019, nagkaroon ng 340 firecracker-related injuries na 40 percent na pagbaba mula noong 2017 (550 cases).

Isa sa mga panukalang-batas natin ay ang Senate Bill No. 906 o “An Act Penalizing Individuals Who Sell, Give or in Any Way Share Any Type of Fireworks or Firecrackers to Minor Children Fifteen Years Old and Below” na naglalayong protektahan ang ating mga kababayan, partikular ang kabataan sa panganib na dulot ng mga paputok.

Kapag naisabatas ito, parurusahan ang mga mahuhuling nagbebenta o nagbibigay ng mga paputok sa mga bata mula 15 years old pababa.

Sa pagsalubong natin sa bagong dekada, nawa’y maging mas creative tayo sa ating mga pakulo. Sulitin natin ang pa-fireworks ni mayor, sumama sa mga street party, mag-KTV at iba pa. There are many other safer yet equally fun alternatives to usher in the New Year.

Ang mas mahalaga ay kapiling natin ang mga mahal natin sa buhay at nagkakaisa tayong umaasa na better things are in store for us in the coming year.

◘◘◘

Huwag sana nating kalimutan na kahit magtapos ang taon, hindi dapat magtapos ang pagiging ‘nice’! Let’s take the opportunity to forgive those who have done us wrong, give thanks for the blessings and lessons, and to commit to become better and kinder persons in the days ahead.

Manigong Bagong Taon, mga ka-Be Nice! Maraming salamat po!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page