AFP, nagkalat ng fake photo sa socmed, buking, todo-sorry
- Pabs Hernandez III
- Dec 29, 2019
- 2 min read
AFP, NAKIKI-FAKE NEWS NA RIN?—Matapos mabisto ng mga netizens na “fake photo” ang ipinakalat sa social media ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may kaugnayan sa sinasabi nilang 306 NPA na sumuko sa Masbate ay nag-sorry sa publiko si Maj. Ricky Aguilar, spokesman ng 9th Infantry Division ng Philippine Army (PA).
Ang palusot niya, kaya raw naka-"photoshop” ang ginamit nila ay upang protektahan ang seguridad ng mga sumurender na rebelde.
Ngayon lang nangyari ‘yan na ngayong panahon ng Duterte gov’t. ay nabahiran ang motto ng AFP na “Courage, Integrity, Loyalty” kasi nakiki-join na rin sila sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media, mga pwe!
◘◘◘
PANG-IISNAB NI P-DUTERTE SA ‘RIZAL DAY’, INSULTO SA PAMBANSANG BAYANI—Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman dadalo si P-Duterte sa selebrasyon ng paggunita ng “Rizal Day”. Ang sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang bayani rin na batang heneral na si Gregorio del Pilar daw ang nais ng pangulo na bigyan ng parangal at pagpupugay bukas, Dec. 30.
Ganu’n? Sana, noong Dec. 2, araw ng kamatayan ni Del Pilar, binigyan ni P-Duterte ng parangal at pagpupugay ang batang heneral at hindi itinapat sa araw ng kamatayan ni Gat. Jose Rizal, kasi ang pang-iisnab na naman ng pangulo sa “Rizal Day” ay maituturing na malaking insulto sa Pambansang Bayani ng Pilipinas, period!
◘◘◘
MALACAÑANG, ‘NGANGA’ SA KASO NG MGA CHINESE SA PILIPINAS—Sa datos ng Southern Police District (SPD), tumaas ng 26% ang krimeng kinasasangkutan ng mga Chinese nationals sa Pasay City, Makati City, Parañaque City, Las Piñas City, Muntinlupa City at Taguig City.
Imbes na mabahala si P-Duterte sa isyung ito dahil malalaking kaso ang kinasasangkutan sa bansa ng mga Chinese tulad ng kidnapping, illegal detention at abduction, eh, “nganga” lang ang Malacañang, boom!
◘◘◘
POM, GAMIT NI ‘GARY’ PARA MAKAPANG-TARA SA MGA SMUGGLERS—Isang “Gary” daw ang gumagamit sa tanggapan ng Port of Manila (POM) para makapanghingi ng weekly “tara” sa mga smugglers sa Bureau of Customs.
Matagal-tagal na rin sa pagiging head ng Customs si Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, pero hanggang ngayon ay hindi niya mapatigil ang “tara system” sa Adwana, buwisit!





Comments