Lima ang sakay.. Motor sumalpok sa trak, 3 patay

Patay ang tatlo katao makaraang sumalpok sa trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa national highway sa Purok 9, Villanueva, Misamis Oriental.
Batay sa paunang imbestigasyon, nag-overtake ang motorsiklo ngunit, pagsapit sa pakurbadang bahagi ng daan ay hindi napansin ng drayber nito ang kasalubong na trak hanggang sa bumangga.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang batang angkas ng motorsiklo. Kalaunan ay nasawi na rin ang rider habang nilalapatan ng lunas.
Patuloy namang nagpapagaling ang dalawa pang sakay ng motorsiklo, kabilang ang isang lola.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang drayber ng trak para sa imbestigasyon at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.





Comments