Iniimbitahan ni Trump sa White House.. No way — Duterte

Hindi umano pauunlakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni United States President Donald Trump na bumisita sa White House.
Ito ay matapos ang planong pag-ban ng US na makapasok sa kanilang bansa ang mga opisyal ng Pilipinas na sinasabing nasa likod ng pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sasagot ang Pangulo sa imbitasyon ni Trump ngunit, tatanggihan ito ng Presidente.
“He (Duterte) said he would respond to the letter-invitation and would decline it,” sabi ni Panelo sa press briefing sa Palasyo.
Aniya, noon pa man ay wala nang balak na magtungo sa Estados Unidos ng Punong Ehekutibo.
“He (Duterte) said he never intended to visit the US ever since,” pahayag pa ni Panelo.
Gayunman, nilinaw ni Panelo na walang masamang tinapay si Pangulong Duterte kay Trump kahit na nilagdaan nito ang 1.4 dolyar na budget ng US government kung saan kasama ang probisyong posibleng pag-ban sa mga Filipino government official na sangkot sa umano’y wrongful imprisonment kay De Lima.
Matatandaang, noong 2016 pa unang inimbitahan ni Trump ang pangulo na bumisita sa Washington.





Comments