top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Hindi nagkikibuan, nagkabati, nag-celebrate.. Magpinsan uminom ng pesticide

  • BRT
  • Dec 28, 2019
  • 1 min read

Ginagamot ang magpinsan matapos umanong uminom ng pesticide sa Davao Oriental.

Sa ulat mula sa Compostela Emergency Respond Team (COERT), kinilala ang isa sa mga biktima na si Alex Cabanilla, 24, residente ng Bgy. Malibago, Cateel.

Mismong mga kaanak ng biktima ang humingi ng tulong sa COERT upang dalhin sa ospital ang dalawa.

Ayon sa asawa ni Cabanilla, ilang taong nag-away ang magpinsan at wala na itong kibuan ngunit, dahil araw ng Pasko ay nagkabati rin sila.

Bilang selebrasyon, nagkasundo umano ang dalawa na uminom ng Coradan, isang pesticide na ginagamit na pang-spray sa mga pananim kontra insekto.

Matapos ang pag-inom, bumula na ang bibig ng magpinsan kaya dinala ito sa Davao de Oro Provincial Hospital at hanggang ngayon ay patuloy na ginagamot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page