top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ampatuan, salamin ng masamang dinastiya

Fr. Robert P. Reyes
Dec 28, 2019
2 min read

Kamakailan, meron tayong nakausap na dating pulitiko. Meron siyang nabanggit na hanggang ngayon ay patuloy pa ring bumabagabag sa atin.

Naalala natin sa kanyang sinabi ang matagal nang pahayag ng dating kilalang pulitiko noong panahon nina FVR at GMA. Ayon kay dating Speaker of the House Jose de Venecia, “There are two kinds of ‘trapos’ (traditional politicians) — the good and the bad. I am a good ‘trapo.’”

Pahayag naman ng nakausap nating pulitiko, "Merong dalawang klaseng dynasties — ang mabuti at masama. Sana, huwag ninyong batikusin at kuwestiyunin ang lahat ng dynasties. Maraming nagagawa ang mga dynasties, lalo na ang mabubuting dynasties. Kailangan sila ng lipunan.”

Mahalagang pag-usapan ang implikasyon ng sinabi ng naturang pulitiko sa malagim na Maguindanao massacre. Matatandaang, 58 katao kabilang ang 32 journalists, 20 Mangudadatus, lawyers at supporters at 6 na passersby ang sinabing pinagpapatay ng mga Ampatuan, kilalang political dynasty sa Maguindanao, noong Nov. 23, 2009.

Gayunman, bagama’t, inabot ng isang dekada, sa wakas ay nakamit na ng mga biktima at pamilya ng mga ito ang hustisya na matagal nilang ipinaglaban at ipinagdasal.

Nakamamatay ang political dynasty at mga ‘trapo’ — anuman ang mangyari, hindi isusuko ng mga dinastiya ang hawak nilang distrito, munisipyo, siyudad at lalawigan. Gayundin, hindi papayagan ng mga trapo na mabago ang sistema at kultura ng kasalukuyang politika na palaging pumapabor sa kanila sapagkat hawak nila ang mayorya, lalo na ang Kongreso.

Sa totoo lang, kung maaaring burahin ang oposisyon sa Kamara, gagawin nila ito pero mabuti na lang at lumulusot pa rin sa bawat halalan ang ilang may prinsipyo at paninindigang mambabatas upang bantayan ang makatwirang paggawa ng batas sa ating bansa.

Kaugnay nito, malinaw ang pagkamulat ng ating bansa sa Article III Section 26 (state policies) na sinasabing, “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Sa paglipas ng panahon, 33 taon na pagkatapos ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero 1986, wala pa ring malinaw na probisyon at Implementing Rules and Regulations (IRR) sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon na bumuo ng Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform, sa halip na pag-usapan ang pagkakaroon ng Anti-Dynasty Law ay patuloy na nagsusulong pa ng mga panukalang-batas na papabor sa pagpapalakas at pagpapanatili ng mga dinastiya.

Sa katatapos na paghatol sa mga sangkot sa Maguindanao massacre, mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng iba’t ibang dinastiya at gamiting salamin ang kasaysayan ng mga Ampatuan.

Sa pagsalubong natin ng Bagong Taon, ipagdasal at hingin natin sa Maykapal na gawin ng bawat isa na may malasakit na mamamayan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page