top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

4 na taong kulong at multa sa magbebenta ng dog meat

  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta
  • Dec 28, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta, Bata pa lamang ako ay mahilig na akong mag-alaga ng aso. Katunayan, mayroon akong apat na askal kaya nakakasama ng loob kapag may nakikita ako sa social media na mga news o posts tungkol sa pang-aabuso sa mga ito.

Isa na rito ang pagbebenta ng karne ng aso. Nais kong malaman kung ano ang maaaring parusa para sa mga taong nagbebenta ng “dog meat”?

- Ting

Dear Ting, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 11 (7) ng Republic Act No. 9482 o mas kilala sa tawag na “Anti-Rabies Act of 2007” kung saan nakasaad na:

“Sec. 11. Penalties. - x x x

(7) Any person found guilty of trading dog for meat shall be fined not less than five thousand pesos (P5,000) per dog and subjected to imprisonment for one to four years.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, malinaw sa batas na maaaring maparusahan ang sinumang mahuhuli na nagbebenta o sangkot sa pagkakalakal ng dog meat sa pamamagitan ng pagbabayad ng P5,000 kada aso at pagkakakulong mula isa hanggang apat na taon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page