top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

3-anyos, huling tinatangay.. Bebot naghubo‘t hubad, nagbaliw-baliwan?

  • Maeng Santos
  • Dec 28, 2019
  • 1 min read

Isang babae na tinangkang tangayin ang isang 3-anyos na batang lalaki ang arestado sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si ‘Karen’, 27, ng Pampanga na dinala ng mga umarestong barangay officials sa Caloocan City Police kung saan nagpanggap umano itong baliw at naghubo’t hubad sa presinto.

Sa imbestigasyon ng Caloocan Police, alas-9:00 ng gabi, naglalaro ang biktima sa harap ng kanilang bahay sa Bgy. 31, nang lapitan ng suspek at tinangkang tangayin ang bata.

Nakita naman ng uncle ng biktima habang hinahatak ito kaya agad itong humingi ng tulong sa mga nagro-roving na tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration PLt. Col. Ferdie del Rosario, natunton nila ang mga kaanak ng suspek at kinumpirma ng mga ito na may sakit nga sa pag-iisip ang suspek at minsan nang ginamot sa National Center for Mental Health.

Pinayuhan naman ni PLt. Col. Del Rosario ang mga kaanak ni ‘Karen’ na magpasa ng mga dokumento bilang patunay na ang suspek ay ginamot sa mental hospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page