top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Umiwas sa checkpoint, nakorner.. 18-anyos timbog sa P6.8-m droga

M. Santos
Dec 27, 2019
1 min read

Nasa P6.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa 18-anyos na lalaki na nadakip matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint habang sakay ng motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Col. Noel Flores ang naarestong suspek na si Gaspar Ramos Dibangkitun alyas Bryan, 18, ng Bgy. 188, Tala.

Nakumpiska sa suspek ang isang vacuum sealed Chinese teabag na naglalaman ng 1 kilo ng hinihinalang shabu na may estimated drug price na P6.8 milyon.

Ayon kay Caloocan Police Deputy Chief for Administration PLt. Col. Ferdie del Rosario, alas-2:30 ng hapon, nagsasagawa ng checkpoint ang mga operatiba ng Police Community Precinct 4 sa pangunguna ni PCapt. Felecito Solano sa kahabaan ng Sta. Rita, Bgy. 188, nang mapansin ang suspek na sakay ng motorsiklo.

Nang parahin, pinaharurot ng suspek ang minamanehong motorsiklo na naging dahilan upang habulin ito ng mga pulis hanggang sa makorner at makumpiska ang dalang ilegal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page