Galing ng Pinoy, da best pa rin sa buong mundo pero ibang bansa ang nakikinabang
- Ka Ambo
- Dec 27, 2019
- 1 min read
Hindi masaya ang Pasko ng ilan sa mga kababayan natin sa Visayas.
Bawi na lang tayo sa New Year!
◘◘◘
NADISKARIL ang impeachment process kontra U.S. President Donald Trump.
Inggit siya kay P-Digong, kakampi ang mga solons!
◘◘◘
OUT-OF-THE-BOX ang estilo nina U.S. Pres. Trump at P-Digong.
Out-of-the-box din ang diskarte nina Russian Pres. Vladimir Putin at Chinese Pres. Xi Jinping.
‘Yan ang nausong ideolohiya sa modernong sibilisasyon!
◘◘◘
TAPOS na ang era ng traditional democracy.
Nadidiktahan ito ng mga kapitalista at oligarko!
◘◘◘
KAILANGAN ang super strong na lider.
‘Yan ang description kina Putin, Xi at P-Duterte.
Kinapos ng isang paligo si U.S. Pres. Trump!
◘◘◘
KABILANG ang Pilipinas sa modelo ng nagbabagong gobyerno sa daigdig.
May mataas na kultura ang Lahing Kayumanggi sapagkat ang sinaunang tao ay nabuhay sa teritoryo ng Pilipinas — 700,000 taon na ang nakararaan!
◘◘◘
ANG Pilipinas din ay isa sa mga pinakamayamang grupo ng mga isla sa daigdig.
Ang pinakamahusay na manlalayag at manlalakbay — marino at piloto ay naninirahan sa Pilipinas!
◘◘◘
ANG mga Pinoy ang nagtayo ng pinakamalalaking gusali at pinakamalalawak na kongkretong lansangan sa Middle East.
Ang mga Pinoy executives din ang mga unang lider ng United Nations at world financing institution!
◘◘◘
MAGING ordinaryong obrero man o ehekutibo ay no.1 ang Lahing Kayumanggi.
World-class fighters ang mga Pinoy at first-class beauty naman ang mga Pinay.
Wala ka nang hahanapin pa!
◘◘◘
ANG pinakamahahalagang likas na yaman o mineral ay nasa Pilipinas.
Ang alindog ng mga tanawin ng kabundukan, parang at dalampasigan ay matatagpuan sa Pilipinas!
◘◘◘
NANANATILING paraiso ang Pilipinas.
‘Yun nga lang, binababoy ito mismo ng kapwa nating Pinoy!





Comments