top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 lalaki niratrat ng riding-in-trio, utas

V. Reyes
Dec 27, 2019
1 min read

Dedo ang tatlong lalaki makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Dead-on-the-spot ang dalawa sa mga biktima na sina Juvie Largo at ang kapitbahay nitong si alyas Manong.

Ang isa pang biktima na si Lloyd Herbert Agucay ay nakatakbo pa sa loob ng bahay at nakapagtago bago nabaril. Naisugod siya sa ospital pero, binawian din ng buhay.

Kamakalawa ng gabi nang puntiryahin ng tatlong suspek ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, pawang mga nakasuot ng helmet ang mga salarin.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa mga biktima na dati umanong nasangkot sa ilegal na droga.

Nakuha sa lugar ng krimen ang tinatayang 11 basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page