top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Sa kasagsagan ng Noche Buena.. Residential area, natupok

Mylene Alfonso
Dec 26, 2019
1 min read

Nadamay masunog ang mahigit 20 bahay sa isang residential area kahapon ng madaling-arawsa kasagsagan ng Noche Buena sa Bacood St., Sta. Mesa, Manila.

Ayon kay FC Insp. Rae Sumedca ng Manila Fire Department, bandang ala-1:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa ground floor ng isang pintuang apartment.

Agad umanong kumalat ang apoy dahil karamihan ng bahay ay gawa sa mga light materials.

Ayon kay Joy Galzote, isa sa mga tenants, inakala niyang may away dahil may naririnig silang sigawan pero, nang lumabas ay nakita nilang malaki ang sunog kaya nagsilabas na lamang sila ng bahay.

Wala namang nasaktan sa insidente na idineklarang fireout alas-2:00 ng madaling-araw.

Samantala, nadamay din sa sunog ang isang tindahan sa lugar.

Nasa P300,000 naman ang halaga ng napinsalang ari-arian habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page