Pagdiriwang ng Pasko mapayapa — PNP

Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa sa kabuuan ang pagdiriwang ng mga Katoliko ng Araw ng Pasko.
Sa isang kalatas ng PNP, inihayag nito na wala silang naitala na anumang malalaking krimen o kaguluhan noong bisperas at mismong Christmas Day.
Gayunman, tiniyak ng Pambansang Pulisya na mananatiling mataas ang kanilang pag-alerto upang agad na makaresponde sa anumang karahasan. Samantala, patuloy na iiral ang suspension of offensive police operations (SOPO) sa New People’s Army (NPA).





Comments